Gagana ang OneTab sa mas bagong bersyon ng Chrome browser. Ang pinakamadaling paraan para ma-access ang iyong mga tab ay
i-update lang sa pinakabagong bersyon ng Chrome. Para gawin ito, pumunta sa opsyong menu na "Tungkol sa Chrome".
Gayunman, maaaring ang browser mo ay ilang taon nang luma at hindi mo ito ma-update. Sa kasamaang-palad, hindi
teknikal na posible na pigilan ang mas lumang browser na makatanggap ng mas bagong update ng OneTab extension. Paumanhin po sa
abala.
Pakisunod ang mga tagubilin sa ibaba para i-recover ang mga tab mula sa mas lumang browser:
Mahalaga: Huwag subukang i-uninstall at muling i-install ang OneTab. Magdudulot ito ng pagkawala ng data
-
Gamit ang Chrome, i-download ang file na ito sa iyong Chromebook:
datadump-1.1.zip.
-
I-extract ang nilalaman ng zip file. Tandaan ang lokasyong pinag-extract-an mo
-
Sa Chrome, pumunta sa URL na ito: chrome://extensions
-
I-enable ang mode ng developer gamit ang button sa kanang-itaas ng page na iyon
-
Huwag TANGGALIN ang OneTab, dahil magdudulot ito ng pagkawala ng data. Sa halip, pindutin ang toggle switch para pansamantalang i-disable ito.
-
I-click ang "I-load ang hindi naka-pack na extension", at piliin ang datadump directory na in-extract mo sa hakbang 2. Pagkatapos ay tiyaking naka-enable ang datadump
extension. Normal lang na lumabas ang babalang "Manifest V2 deprecation".
-
Kapag gumana, isang icon na may letrang "D" ang lilitaw kung saan karaniwang lumalabas ang OneTab icon sa toolbar ng iyong browser.
I-click ang icon na "D" para makita ang listahan ng mga nakaimbak mong tab
-
Pagkatapos mong makagawa ng kopya ng iyong listahan ng mga tab, maaari mo itong i-import sa OneTab sa ibang computer
gamit ang Import/Export feature sa loob ng OneTab sa computer na iyon.
-
Sa huli, i-off ang mode ng developer ng Chrome sa pamamagitan ng pag-click sa toggle button sa kanang-itaas ng screen